Canadian umalma sa holdap, binoga

SUGATAN ang isang Canadian national matapos  barilin ng dalawang hindi pa nakilalang armadong holdaper nang umalma sa holdap sa Brgy. Tugatog, Malabon City.

Nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Malabon si James Mark Lee, ng 300 Legaspi Tower Roxas Boulevard Manila  sanhi ng tinamong tama ng bala ng 9mm pistol sa kaliwang kamay at mga sugat sa katawan mula sa bubog ng salamin.

Ayon sa imbestigasyon, alas 9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Dr Lascano St., nasabing barangay.

Nabatid na sakay ng gray na Toyota Innova (ZJP-416) ang biktima patungong Tagalag Valenzuela City para bumili ng mamahaling sabunging manok nang harangin ng dalawang armadong lalaki at nagdeklara ng holdap.

Nang umalma ang biktima ay binaril siya ng mga suspek sabay tangay sa attaché case ng biktima  may lamang P50,000.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply