Cardinal Tagle sa RH bill: Tuloy ang laban

antonio-tagle

TINIYAK ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na hindi susuko ang Simbahang Katoliko sa laban nito kontra sa Reproductive Health (RH) bill sa kabila nang pagkakapasa ng naturang kontrobersiyal na panukalang batas sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Representantes.

Sa pahayag ni ipinalabas ni Tagle nitong Huwebes ng umaga bago siya tumulak patungong Ho Chi Minh City, Vietnam para sa General Assembly ng Federation of Asian Bishops’ Conferences, sinabi nito na ang naganap na botohan sa RH bill ay ‘unfortunate’ at ‘tragic.’

Gayunman, hindi, aniya, nila ito tinitingnan bilang pagkagapi ng katotohanan.

Nanindigan si Tagle na mamamayani pa rin sa huli ang katotohanan, partikular na ang katotohanan hinggil sa buhay ng tao, kasal at pamilya.

“The vote in favour of the RH Bill in Congress is unfortunate and tragic. But we do not take it as a defeat of truth – for truth shall prevail, especially the truth about human life, marriage and the family,” aniya.

Pinasalamatan rin ni Tagle ang mga mambabatas, mga taong simbahan, mga grupo at mga mamamayan na nagsumikap at walang sawang gumawa ng mga pamamaraan upang mamulat ang mga tao sa pagkakamali ng RH bill.

Tiniyak rin ni Tagle na kahit pa namayani ang boto pabor sa RH bill sa Kamara ay hindi  sila susuko at sa halip ay lalo pang magsusumikap upang isulong ang kasagraduhan ng buhay at ng tao.

“We thank and commend the Representatives of Congress, the Church people, organizations and citizens who worked hard and tirelessly in a variety of ways to expose the flaws of the RH bill, to form consciences and to contribute to the search for the common good,” aniya.

“This vote leads us to further commit the Church, specifically the Archdiocese of Manila to the service of the poor, of the family, of women, of infants and children. We will work harder to promote the sanctity of human life and of the human person, the integral education of the youth, the access of the poor to social and medical services, the preservation of the true meaning of marriage, and stewardship of creation. We call on all Filipinos to work towards healing, and journey together humbly and justly as children of God,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply