Career ni Pacman kumplikado na

INAMIN na ni Coach Freddie Roach na naging kumplikado ang boxing career ni Eight Division World Champion Manny Pacquiao matapos mapabagsak ng “lucky punch” ni Juan Manuel Marquez..

Magugunitang napabagsak ni El Dinamita ang Pambansang Kamao sa round 6 sa kanilang bakbakan sa lona nitong Linggo ng umaga (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Roach, dapat isipin ni Pacquiao ang posibilidad ng rematch o retirement.

Kung makitaan aniya ng magandang senyales na nagbabalik na ang hilig ng People’s Champ sa boxing ay magpapatuloy sila sa naturang sport subalit kung hindi ay dapat nang sabihan si Pacman na magretiro.

Mariing pinabulaanan naman ni Pacquiao na kinulang siya sa ensayo kaya’t natalo sa Mexican boxer.

Ayon kay Pacman, hindi siya nagpabaya sa training dahil kung kinapos ito ay nawalan na ito ng lakas at stamina habang nasa gitna ng bakbakan.

Sinabi pa ni Pacman, na sa katunayan nasa aggressive mode pa siya pagpasok ng Round 6 ngunit sa isang iglap nawala ang pagkaagresibo nito at napabagsak ni Marquez.

Kung maaalala, abanse pa sa scorecard ng mga boxing judge si Manny na nasa 47-46 hanggang sa mapatumba sa dulong bahagi ng round 6.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply