Carnapper bulagta sa parak

crime-scene-chalk-mark

TUMIMBUWANG sa kalsada ang isang hinihinalang carnapper matapos makorner ng mga elemento ng Manila Police District sa may Ermita, Maynila, Sabado ng madaling araw.

Inilarawan ni SPO2 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang nasawing suspek na nasa edad 35 hanggang 40, may taas 5’8 – 5’9, nakasuot ng kulay pink na striped T-shirt at white-gray na short pants.

Nakatakas naman ang kasamahan nito.

Sa report, dakong alas-5:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng Governor Center Drive malapit sa panulukan ng P. Burgos Drive, Ermita.

Nakita ng mga bystander na dumating ang dalawang suspek na nakasakay sa kulay itim na motorsiklo.

Nang maispatan ng nasawing suspek ang nakaparadang Yamaha Novo Mio na kulay asul (plakang 4923) ay sinakyan nito at agad na pinaharurot patungo sa direksyon ng Taft Avenue.

Ini-report naman agad sa pulisya ang pangyayari kaya’t nagkasa ng surveillance operation ang mga awtoridad.

Nang maabutan ng mga awtoridad ang suspek sa lugar, ay nagbunot ng baril (38 kalibre) at ipinutok sa direksiyon ng mga pulis dahilan para tamaan sa bumper ang service vehicle (plakang SFY-627) ng mga ito.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging sanhi ng kamatayan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply