Catholic vote bulong ng konsensiya – CBCP

archbishop-palma

AYON kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma ang Catholic vote ay ang resulta ng pagninilay-nilay at bulong ng konsensiya ng mga tao.

Sinabi ni Palma, na ang Catholic vote ay ang paggamit ng mga Katoliko sa doktrina ng Simbahang Katoliko bilang basehan sa pagboto o ang tamang values sa pagboto.

Ang Catholic vote ay isinusulong ng mga obispo laban sa mga mambabatas na pumapabor sa Reproductive Health Bill.

Wala naman aniyang Catholic vote kung inaasahan ng marami na maglalabas ang CBCP ng pangalan ng mga politikong hindi dapat iboto at mga kandidatong ieendorso ng Simbahan.

“Is there a Catholic vote?  The answer is No and Yes. Paano po yun? Una: There is no Catholic vote kung inaasahan ng karamihan na yung CBCP would come up with names na parang ikinakampanya namin dahil po sila ay Katoliko at dahil po sila ay mga pro-life at anti-RH.  Kung inaasahan po yan halimbawa by January o before the election that we would come up with names na officially ito yung ini-indorse. Don’t expect that,” ayon kay Palma sa panayam ng church-run Radio Veritas. “So is there a Catholic vote or should there be a Catholic vote? The answer is Yes. Ano po ang ibig sabihin? Inaasahan po namin na kung Katoliko tayo yung batayan po ng ating pagboto ay base po sa ating mga pagnilay-nilay at konsensiya.”

Sinabi ni Palma na bagamat hindi maglalabas ang mga obispo o ang Simbahang Katoliko ng pangalan ng mga kandidato na dapat iboto sa 2013 midterm elections, mag-iisyu naman sila ng “guidelines o voters’ guide” kung anu-ano ang mga katangian ng isang kandidato na dapat iboto ng mga mamamayan.

Kung nais naman aniya ng mga Katoliko at mga mananampalataya na sila na mismo ang maglabas ng mga pangalan ng mga kandidato na pabor sa RH bill na hindi dapat na iboto ay maaari naman umano nila itong gawin.

“Hindi po bagay na magbigay kami ng mga pangalan, pero kayo po na mga Katoliko, mga lay people kung gusto niyo ay puwede kayo,” aniya.

Kasabay nito, hinamon din ng arsobispo ang mga Katoliko na huwag iboto ang mga kandidatong nagsusulong ng mga adbokasiya na sisira sa magandang kaugalian at kasagraduhan ng buhay at pamilya.

Ayon kay Palma, ang pagiging Katoliko ay hindi dapat kalimutan sa lahat ng bagay lalo na sa pagboto.

Hinimok ni Palma ang mga Katoliko na tingnang mabuti ang track records at adbokasiya na isinusulong ng mga kandidato lalo na yung mga anti-life advocates na hindi iginagalang ang Saligang Batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply