Cavite PD vs RD Melad at Pinas world class corrupt

burdado- jun briones

KAHANAY ng mga bansang Somalia, Afghanistan, North Korea, Sudan at Myanmar ang ating bansa na iniulat bilang isa sa mga pinakakurakot sa buong mundo!

Hindi ‘yan paninira, haka-haka o gawa-gawa lamang, ‘yan ay ayon sa pinakahuling Corruption Perceptions Index (CPI) ng Transparency International o T.I.

Paglilinaw lang, parekoy, bagama’t alam natin na corrupt ang dating administrasyon ni GMA, pero itong pinakabagong korona ng Pinas sa larangan ng pangungulimbat ay hindi na maaaring iugnay kina Arroyo.

Dahil itong ulat ng T.I. ay base sa pag-aaral na isinagawa noong Dec. 2010 at Sept. 2012.

Si PNoy ay nagsimulang manungkulan bilang Pangulo natin noong Hunyo 30, 2010.

Swak na swak sa budget!

Hak, hak, hak!

Kung babasehan ang “kung walang korap walang mahirap” na slogan ng Aquino administration, sasang-ayon tayo rito sa isiniwalat ng Transparency International, dahil talamak naman talaga ang kahirapan sa ating bansa.

Ibig sabihin, talamak nga, parekoy, ang corruption!

Pero naniniwala tayo na mahaba pa ang panahon ni PNoy para tanggalin itong bago nating korona sa larangan ng “world class corruption.”

‘Yan ay kung uumpisahan na niya ang pagsibak sa mga kurakot na opisyal ng bansa.

Kahit sila’y mga KKK pa!

-o0o-

HINDI pa man umiinit ang puwit ni OIC Provincial Director S/Supt. Alexander de Guzman Rafael sa lalawigan ng Cavite ay mukhang masusubok na agad ang kanyang obedience sa order ni RD Gen. Melad.

Taliwas sa utos ni Gen. Melad na walisin ang iligal na sugal sa Calabarzon, aba eh, naglipana naman ito sa Cavite City, Rosario, Noveleta at Kawit dahil sa kamandag umano ni Danny Itlog sa tulong ng ilang matataas na opisyal sa Cavite.

Matyagan natin, parekoy, kung handa nga bang sa-lungatin ni PD Rafael itong utos ni Regional Director Gen. Melad.

Paalala lang, Col. Rafael, simple lang si Gen. Melad . . . Iparatsada mo lamang ang mga nabanggit na iligal na sugal  ay tiyak na masaya na siya!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply