Cavs lugmok sa depensa ng Pistons

cavs

TATLONG sunod na lumuhod ang Detroit Pistons sa kanilang home court at nang manalo sila ay sunod-sunod na ito.

Kanina ay tinarak ng Pistons ang fifth straight home win nang paluhurin nila ang Cleveland Cavaliers, 89-79 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Umiskor si Brandon Knight ng 17 at tig limang rebounds at assists upang mapaganda bahagya ang team standing ng Detroit, 6-13 win-loss slate.

May isang panalo ang Pistons sa road sa 11 na laro.

Nag-ambag din sina Kyle Singler at Tayshaun Prince ng 15 subalit ang pinaka susi ng panalo ng Pistons ay ang mahigpit na depensa nina Jason Maxiell, Andre Drummond at Greg Monroe.

May tinikada sina Maxiell, Drummond at Monroe na 12, 7 at 9 points subalit nakapagtala naman sila ng 5, 3 at 2 blocks ayon sa pagkakahilera.

”I think being in position, first,” sabi ni Piston coach Lawrence Frank. ”If you’re in position, then you can get a block, a charge, a deflection. If you’re out of position, you can’t even put yourself even in position to block a shot.”

Angat ang Detroit 56-39 sa halftime matapos limitahin ang Cavaliers sa 29 percent shooting at may 34 porsiyento sa kabuuan ng laro.

”In the second half we did not fold when we had a chance to,” wika ni coach Byron Scott. ”We kept fighting but we just did not have enough offensive firepower to get the job done.”

Pinuri naman ni Drummond si Maxiell dahil sa kanyang galing sa supalpalan.

”He may be 6-5, 6-6. He calls himself 6-8, but he plays like he’s 7 feet,” patungkol ni Drummond kay Maxiell. ”He plays as hard as he can every single play.”

Si Anderson varejao naman ang naguna sa opensa para sa Cleveland na may binirang 17 puntos, 18 boards at dalawang assists.

Samantala, manipis na nanalo ang Los Angeles Clippers sa Utah Jazz, 105-104 kaya naman nadungisan ang huli sa kanilang home court game.

Naka-anim na panalo muna ang Jazz sa kanilang lugar bago ito nakatikim ng talo.

Sa ibang NBA resulta, nagwagi sa overtime game ang Portland Trail Blazers kontra Charlotte Bobcats, 118-112 habang lugmok ang Golden State Warriors sa Orlando Magic, 94-102.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply