CBCP: Buhay ni Jesus papasukin, kapayapaan bigyang daan

cardinal-tagle

KASUNOD nang nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon sa Martes, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Cebu Archbishop Jose Palma ang mga Pinoy na papasukin sa kanilang mga buhay si Hesus at bigyang-daan ang pamamayani ng kapayapaan.

Nagkaisa rin ang dalawang church leaders sa panalanging magiging mas maganda at mas puno ng biyaya ang taong 2013 para sa mga Pinoy.

Sa kanyang New Year’s message, sinabi ni Tagle na ang Bagong Taon ay siyang tamang panahon para muling gisingin ang pagnanais sa bawat puso na magkaroon ng mas magandang kinabukasan, bagong simula at isang mundo na makapagbibigay sa lahat ng pagkakataon na makamit ang pangarap.

Ayon sa Cardinal, dapat na pasalamatan ng mga tao ang Panginoon dahil sa pagbibigay sa mga tao ng regalo ng daan tungo sa kapayapaan ngunit ipinaliwanag na nasa mga tao pa rin ang pagpapasya kung papasok ba ito sa naturang daan.

“We thank the God of history for leading us to 2013. It may not be known by many that the beginning of a new civil year is also the celebration of the World Day of Peace. The New Year is an appropriate time to reawaken our desire for a better future, for new beginnings, and for a world that could afford us the achievement of our dreams. But all this could be fulfilled only in peace and through peace,” nakasaad pa sa mensahe ng Cardinal.

“For us Christians, peace is primarily God’s gift. God created everything in love and willed that diverse creatures live in harmony with one another. When sin disrupted the concord enjoyed by human beings with God, with each other and with creation, God relentlessly pursued His design for universal peace, culminating in the birth of Jesus, the Prince of Peace,” aniya pa.

“We thank God for opening for us the door to peace. But we have the responsibility to enter that door. God’s is the gift, ours is the mission of building peace,” pahayag pa ng Cardinal. “Let us all pray for the peace that only God can give. And let us live as true peacemakers. Then 2013 will be a peaceful year.”

Nalalapit na halalan pagnilayan

Samantala, sa kanyang mensahe naman, hindi pinalampas ni Palma ang pagkakataon para mabigyan ng gabay ang mga tao hinggil sa nalalapit na eleksiyon sa bansa, gayundin ang pagkakasabatas ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill at planong pagsusulong ng Divorce Bill.

Ayon kay Palma, tulad ng isinasaad sa Bibliya, dapat pasalamatan natin ang Diyos sa bawat panahon at sa bagong taon na ibinigay sa atin.

Dapat rin, aniyang, pagnilayan ng lahat ang nalalapit na halalan upang mailuklok ang mga taong karapat-dapat sa puwesto.

“Pasasalamatan natin ang Diyos Ama sapagkat sa kanya galing ang mabubuting bagay. Marami po tayong natanggap na biyaya sa gitna na din ng mga problema isipin po natin na binigyan tayo ng bagong Santo sa katauhan ni San Pedro Calungsod. Kaya dapat nating pasalamatan ang Diyos at salamat din sa panginoong Hesukristo na siya po ay naging Nino na dumating sa atin at namuhay na kasama natin,” ani Palma, sa kanyang New Year’s message para sa mga Pinoy.

“Sana nga po katulad ng sinasabi ng isang awit na “let us adore him”. I-welcome po natin si Hesukristo na pupunta siya sa ating mga puso sapagkat sinasabi natin sa kanya na doon siya mamuhay sa ating mga puso,sa ating mga tahanan, sa ating komunidad,” saad pa ng CBCP president sa kanyang New Year’s message.

Iginiit pa ni Palma na dapat ring pasalamatan ang Panginoon na nagbibigay ng buhay at nanindigan na kailangan ng mga Pinoy ang liwanag at lakas ng Diyos lalo na ngayong malapit na ang panahon ng eleksiyon.

Umaasa si Palma na sa pagninilay-nilay ng lahat ay matukoy ng mga ito kung sinu-sino ang mga taong karapat-dapat na maluklok sa puwesto.

“Sana po sa ating pagninilay-nilay ay malaman natin yung karapat-dapat at makapagdadala ng kabutihan sa ating bayan,” aniya pa.

“Iyong bawat taon na ay binubuksan natin sa pananalangin para sa kapayapaan na gaya ng sinasabi ng Santo Papa dapat ang kapayapaan ay magsimula sa ating respeto sa tao at respeto sa buhay ng tao. Kaya nga sinasabi ng Santo Papa na sana nga po iyong buhay ay dapat respetuhin simula pa sa tiyan ng kanyang ina hanggang sa natural death.

Respetuhin natin ang buhay at respetuhin natin ang marriage kasi alam po natin at tingnan po natin ay marami nga po ang ini-introduce na hindi maganda. Sinabi nga ni Pope Benedict XVI na itong paniniwala ay hindi lamang paniniwala ng Katoliko sapagkat kung ating pag- aralan yun sa ating reasoning ay malalaman natin ang katotohanan,” dagdag pa ni Palma.

Hinimok rin niya ang publiko na lumapit kay Birheng Maria upang higit rin tayong mapalapit sa Panginoon, maging mapagmahal sa kapwa tao upang ang daang ating tatahakin ay maging patungo sa kalooban ng Diyos sa pagbuo ng Kanyang kapayapaan at kaharian.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply