CDO hotels dinumog sa kawalan ng kuryente

bagyong-Pablo-dec-4

PINUTAKTE ng mga residente ng Cagayan de Oro City ang mga hotel sa lungsod dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente dulot ng pananalasa ng bagyong Pablo.

Karamihan sa mga naghahanap ng masisilungan ay pinili na lamang ang mag-check-in sa mga hotel dahil hindi pa masabi kung kailan mababalik ang kuryente.

Ilan naman sa mga shopping mall sa lungsod ang bukas pero kakaunti ang pumasok na mga kostumer, dagdag pa ng ulat.

Naputol ang suplay ng kuryente sa ilang parte ng Mindanao Lunes ng gabi (Disyembre 3), at sa ibang bahagi naman ng isla Martes ng madaling araw.

Samantala, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang mangingisdang iniulat na nawawala sa Eastern Visayas sa kasagsagan ng typhoon Pablo ay natagpuang buhay.

Sinabi ni NDRRMC head Benito Ramos na ang mangingisda ay mula sa Liloan sa Southern Leyte.

Nauna rito, tumama sa kalupaan ang bagyong Pablo sa Davao Oriental. Labingdalawang lugar ang nasa ilalim ng Storm Signal No. 3, ayon na rin sa 11 a.m. weather bulletin ng Pagasa.

Sinabi ng State weather forecaster na habang bahagyang humina ang typhoon, bumagal din ang pagkilos nito, na ang ibg sabihin na bahagya ring maantala ang paglabas nito sa Philippine area of responsibility.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply