CDO nasa red alert status na dahil kay ‘Pablo’

bagyong-Pablo-dec-4

INILAGAY na sa red alert status ang Cagayan de Oro City dahil sa pananalasa ni bagyong Pablo. Ito ang ipinag-utos ni CDO Mayor Vicente Emano.

Sa latest report ng Command Center ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), tinatayang mahigit 21,000 residente na ang lumilikas sa evacuation centers.

Kaugnay nito, ipinag-utos na sa militar at pulisya na sapilitang ilikas ang mga nagmamatigas na residente sa mga kritikal na lugar sa kabila ng malakas na ulan at hangin.

Baha na rin ang ilang bahagi ng lungsod dahil sa pag-apaw ng Bitan-ag Creek habang may mga kalsada na ring hindi madaanan ng mga sasakyan.

Kanselado na rin ang biyahe ng mga eroplano sa Cagayan de Oro habang nilimitahan na rin ang biyahe ng mga pampasaherong bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply