Cebu Gov. Garcia, hindi dapat mangamba

HINDI umano dapat mangamba ang kampo ni suspended Cebu Governor Gwen Garcia sa pag-upo bilang acting governor ni Vice Governor Agnes Magpale.

Binigyang diin ni Magpale na hindi naman siya banta sa kandidatura ni Garcia dahil  hindi naman  siya tatakbo bilang gobernador ng Cebu sa 2013 elections.

Nilinaw ni Magpale na pagiging bise gobernador ng Cebu ang kanyang tatakbuhan sa susunod na eleksyon.

Kaugnay nito nanindigan ang suspendidong si Cebu Governadora  na hindi siya bibitiw sa kanyang posisyon.

Ito ay sa kabila 6 months suspension order na ipinataw sa kanya ng Malakanyang.

Ayon kay Garcia, buo pa rin ang kanyang paninindigan na magserbisyo sa kanyang kababayan dahil kumpyansa sya na buong buo pa rin ang tiwala ng mga ito sa kanya.

Positibo umabo siya na anomang oras ngayong araw ay ilalabas na ng korte ang temporary restaining order na kanyang hiniling.

Paniniwala ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na isang panggigipit ang pagpapataw sa kanya 6 months suspension ng Malakanyang.

Aniya, nais lamang ng Liberal Party na linisin ang mga makakalaban nila pulitika at pahinain ang mga kalaban nitong partido partikular na sa probinsya ng Cebu.

Sa kabila nito, nanindigan si Garcia na hindi siya papatinag sa pang-aabusong ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply