Cebu Gov. Garcia maghahain ng TRO sa CA vs suspension order

MAGHAHAIN ng mosyon si Cebu Governor Gwendolyn Garcia para makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa anim na buwang suspension order sa kanya ng Malakanyang.

Kinukwestyon ni Garcia ang legalidad ng suspension order na sinabi niyang lagpas na sa prescribed period na itinakda ng local government code.

Ayon kay Garcia, sa ilalim ng Local Government Code Section 66, mayroon lang 30-araw ang Pangulo para magdesisyon pagkatapos ng imbestigasyon, pero Disyembre 17 lang inilabas ang suspension order
gayong Agosto 2011 pa natapos ang imbestigasyon.

Matatandaang sinuspinde ng palasyo si Garcia dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan at pag-ipit ng pondo ng namayapang Vice-Governor Greg Sanchez.

Paniwala pa rin ni Garcia, pinulitika siya ng administrasyon sa paglalabas ng ilegal anyang suspension order.

Nanindigan si Garcia na hindi siya bababa sa pwesto bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin sa mga Cebuano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply