Cebu Gov. Garcia sinuspinde ng Malakanyang

dilg-sec-mar-roxas

SINUSPINDE ng Malakanyang si Cebu Governor Gwendolyn Garcia dahil sa umano’y pag-abuso nito sa kapangyarihan at hindi paglalabas ng pondo ng tanggapan ng bise gobernador sa nasabing lalawigan.

Ang suspensyon ay kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ngayong umaga.

Pasado alas-otso ng umaga nang isilbi ng regional director ng DILG ang kautusang nagpapataw ng anim na buwang suspensyon sa opisyal.

Pero hindi tuluyang naisilbi ang suspension order dahil nang magtungo ang grupo ng DILG sa Kapitolyo ay wala roon si Garcia.

Hindi rin pinirmahan ng mga staff ni Garcia ang nasabing suspension order para maging indikasyon na hindi nila natanggap ang naturang kautusan.

Umaasa naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagalangin ng kampo ni Gov. Garcia ang proseso sa ipinataw na suspension order laban sa kanya.

Samantala, inaasahan namang itatalaga ng DILG si Vice Gov. Agnes Almendras bilang pansamantalang mamamahala sa lalawigan.

Kaugnay nito, iginiit ni Roxas na walang kaugnayan ang nalalapit na halalan sa pagpapataw ng parusa kay Garcia.

Maalala na kabilang sana ang pangalan ng gobernador sa senatorial list ng United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice President Jejomar Binay para sa 2013 mid-term elections.

Kaugnay nito, sinabi ng kampo ni Garcia, na maghahain sila ng motion for reconsideration (MR) sakaling maisilbi na ang suspension order.

Nagbarikiada naman ngayon ang mga tagasuporta ni Garcia para hindi makaupo ang hahaliling opisyal. Tiniyak naman ng mga ito na iiwasan ang anumang karahasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply