Charity drive, ilulunsad ng Comelec para sa mga biktima ng bagyong Pablo

comelec

MAGSASAGAWA ng charity drive ang Commission on Elections (Comelec) upang makalikom ng pondo para i-donate sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Mindanao.

Nabatid na kinansela na ng Comelec ang mga idaraos sana nitong Christmas party para sa kanilang mga tauhan at gayundin sa media ngayong taon bilang pakikisimpatiya sa mga typhoon victims.

Ayon sa mga opisyal ng Comelec, bahagi ng kanilang pondo para sa Christmas parties, raffles at mga cash gift ng kanilang mga empleyado ay ilalaan na lamang nila bilang donasyon sa mga typhoon victims.

Sinabi ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na posibleng bawasan nila ng tig-P100 o P200 ang mga cash gift ng mga empleyado upang ilaan sa pondo para sa mga nasalanta ng bagyo.

Inihayag naman ni Comelec spokesman James Jimenez na mismong ang kanilang mga empleyado ay nagsagawa rin ng sariling inisyatiba upang makatulong sa mga typhoon victims.

Tatapatan naman, aniya, ng Comelec ang donasyong makakayanang ibigay ng kanilang mga empleyado.

Sa pagtaya naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., posibleng makalikom sila ng hanggang kalahating milyong piso sa kanilang charity drive.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply