Charo Santos bagong CEO ng ABS-CBN simula sa Enero

CEO-Charo-Santos

SIMULA sa Enero 1, 2013, si Maria Rosario Charo Santos-Concio na ang bagong chief executive officer (CEO) ng ABS-CBN.

Ang bagong posisyon ay karagdagan para sa kanyang tungkulin bilang kasalukuyang ABS-CBN president at chief content officer (COO).

Mananatili namang Chairman of the Board ng kumpanya si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Bilang pangulo ng ABS-CBN, tungkulin ni Santos-Concio na mapabuti ang performance at kita ng kumpanya.

Matatandaang sa ilalim ng pamumuno ni Santos-Concio ay napabilang ang ABS-CBN sa top 15 kumpanya na nakakuha ng pinakamataas na marka.

Bukod pa rito, nasungkit din nito ang natatanging publicly-listed na media organization na nakakuha ng markang 90% o higit pa sa 2008 Corporate Governance Scorecard ng Institute of Corporate Directors.

Bago pa man siya ma-promote bilang presidente noong 2008, nagsilbi na siyang Head for Channel 2 ng ABS-CBN noong 2006, Executive Vice President noong 1998, Senior Vice President ng TV Production noong 1996, Vice President of Production Operations noong 1991, at Director for Programs noong 1989. Binigyan siya ng puwesto sa ABS-CBN bilang consultant noong 1987.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply