China dedma sa planong inspeksyon ng US sa mga barko sa West Phl sea

west-philippine-sea

NAGKIBIT balikat lamang ng China hinggil sa plano ng US State Department na pagpaliwanagin ang Beijing kaugnay sa balak nitong magsagawa ng inspeksyon sa mga barkong dumadaan sa South China Sea o West Philippine Sea.

Kaugnay nito naging maingat naman ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagbibigay komento sa  balak ng Chinese authorities na magsagawa ng inspeksyon sa mga barkong dumadaan sa West Philippine Sea.

Dahil ditop inatasan nito si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na beripikahin sa Chinese counterparts ang report.

Sa kabila nito sinabi naman ni Foreign Ministry spokesman Hong Lei, lahat umano ng mga bansa ay may karapatan sa freedom of navigation sa South China Sea salig na rin sa nakasaad sa international law.

Sa panig ni US State Department spokeswoman Victoria Nuland, sinabi nitong kailangan nilang malaman at maunawaan ang intensiyon ng China sa gagawin nitong inspeksiyon sa pinag-aagawang teritoryo nila ng Pilipinas at iba pang claimants.

Ayon sa Pangulo, kung sakaling totoo, ang ulat, ihahanda na ang hakbang tulad ng diplomatic protest.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply