Chinese national nagpatiwakal sa Pasay

crime6

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang 49-anyos na Chinese national sa loob ng inuupahan nitong condominium Pasay City, kagabi.

Kinilala ang biktima na si William Ong, binata, walang trabah at naninirahan sa Unit 1903 Antel Tower A, Antel Seaview Roxas Blvd., ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-9:00 kagabi nang humingi ng responde ang isang Antonino De Asis, general manager ng Utopia Security Agency, hinggil sa pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Agad namang rumesponde sina SPO3 Allan Valdez t SPO1 Evaresto Sarang-ey sa naturang gusali at tumambad ang malamig nang bangkay ng biktima na nakaupo sa sofa, may tama ng bala sa kaliwang sentido. Hawak pa ng biktima ang isang kalibre .38 baril habang natagpuan ang dalawan slug ng bala.

Sa salaysay ni Mrs. Kampui Sy, 76-anyos, guardian ng nasawi, sinabi nito na dakong alas-7:00 kagabi pa niya tinatawagan sa cellular phone si Ong ngunit hindi ito sumasagot. Dito niya tinawagan ang kaibigan ni Ong na nakatira sa Antel Tower-C at pinuntahan ang kuwarto ng kaibigan ngunit maging siya ay hindi rin pinagbuksan.

Dito na humingi ng tulong si Sy sa maintenance crew ng gusali at puwersahang binuksan ang kuwarto sanhi upang unang madiskubre ang bangkay ni Ong.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na ipasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Ong bilang pagsunod umano sa tradisyon ng kanilang relihiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply