CHR sa Kongreso: Charter Bill, ipasa na

etta-rosales

NANAWAGAN si Commission on Human Rights (CHR) Etta Rosales na ipasa na rin ang nakabinbin na panukalang batas na “Charter Bill” sa Senado at Kamara.

Ang hirit ni Rosales ay kasunod ng pagpirma ni Pangulong Noynoy Aquino III sa Anti-Enforced o Involuntary Disapearance Act of 2012 o ang batas na nagbibigay katarungan sa mga biktimang dinukot ng mga
awtoridad para maging ganap na batas.

Ayon kay Rosales, ang Charter Bill ay ang magbibigay ng ngipin at dagdag na budget sa CHR para mas makakilos ang kanilang ahensya kaugnay sa pagprotekta sa karapatang pantao.

Hiling nito sa mga mambabatas, repasuhin na agad ang nasabing panukalang batas lalo pa’t wala naman anyang kontrobersya dito.

Mas magiging kumpleto na ang proteksyon ng karapatan ng bawat isa kung hindi lang ang Desaparesidos Law ang pinirmahan ng pangulo kun’di pati na rin sana ang Charter Bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply