Christmas ceasefire inirekomenda ng AFP

afp-officers

NAIS ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na magpatupad ng isang mahaba-habang tigil putukan ngayong panahaon ng kapaskuhan upang maramdaman ng mga kalaban ng pamahalaan ang saya ng normal na pagdiriwang ng kapaskuhan at makita ang mga pagbabago sa lipunan.

Ito ang isa sa mga basehan ni AFP chief of Staff Gen Jessie Dellosa sa pagrerekomenda ng Suspension on Military Operation (SOMO) ngayong yuletide season.

Ayon kay Dellosa ng kapanayamin ito ng mga mamamahayag sa isinagawang lighting of christmas tree sa Camp Aguinaldo, magandang pagkakataon ito para sa mga rebelde para bumaba at  makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

“Pagka nandun na yung SOMO, merong opportunity yung mga nasa bundok na bumaba, makapiling yung pamilya nila, from there malalaman nila kung ano yung mga pagbabago, from there siguro babalik ba sila… so, magandang opportunity din yan SOMO na yan,” anang heneral.

Nabataid na nakatakdang irekonmenda ngayon ni Dellosa kay Defense Secretary Voltaire Gazmin at kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pansamantalang tigil putukan sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang pagpapairal ng SOMO ay nasa diskrisyon pa rin ng Pangulong Aquino bilang president at Commnader in Chief ng AFP.

“Para at least lahat makapag-enjoy ng Christmas, mga kasundaluhan natin pati yung mga nasa bundok at least will be able to enjoy Christmas,” dagdag pa ng chief of staff.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply