Christmas furlough ni CGMA, pinaboran ni Speaker Belmonte

gma-3

PABOR si House Speaker Feliciano Belmonte sa kahilingang Christmas furlough ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Belmonte, wala namang masama kung humiling ng tatlong linggong bakasyon ang dating pangulo at pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makasama ang kanyang pamilya.

Samantala, siniguro naman na sapat ang guwardiya ni Arroyo kapag ito ay lumabas ng ospital.

Subalit sinabi  ni Belmonte na depende pa rin ito sa Sandiganbayan kung pagbibigyan ang Christmas furlough ni Arroyo.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay GMA na nag-ugat sa umano’y paglustay sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanyang administrasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply