Christmas party ng DOT, kinansela para pakikiisa sa mga biktima ni ‘Pablo’

department-of-tourism

KINANSELA na rin ng Department of Tourism (DOT) ang Christmas party ng kanilang tanggapan bilang pakikiisa sa mga nabiktima ng bagyong Pablo.

Ayon sa DOT, sa mga panahong gaya nito hindi dapat makalimutan ang pakikipagkapwa at mapagbigay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng dasal at biyaya sa mga nabiktima ng bagyong Pablo.

Una rito, nagkansela na rin ng kanilang Christmas party ang Malakanyang, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply