Christmas truck ban simula na sa Dis. 7

SIMULA sa Disyembre 7, ipapatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang modified Christmas truck ban para maibsan ang pagsikip ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang ban na simula sa Disyembre 7 hanggang Enero 6 ay para sa mga trak na tumitimbang ng mahigit sa 4,500 kilos, ayon sa Metro Manila Council, ang MMDA’s policy-making body.

“The modified uniform truck ban hours shall be from 6:00 a.m. to 10:00 a.m. and from 5:00 p.m. to 10:00 p.m. every day except Sundays and holidays,” ayon sa ipinoste ng MMDA traffic discipline office head Yves Gonzalez sa kanyang Twitter account.

Sa kabilang dako, eepekto ang total truck ban sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Magallanes sa Makati City hanggang sa Balintawak sa Quezon City.

Hindi naman kasali sa ban ang mga cargo trucks na may lulan na mga perishable at agricultural cargo.

Lumagda sa resolusyon ay si Quezon City mayor Herbert Bautista, chairman ng MMA’s special traffic committee.

Kasama rin na lumagda ay sina vice chairman Marikina Mayor Del de Guzman; at committee members Caloocan City Vice Mayor Edgar Erice at Marikina City Councilor Serafin Bernardino.

Nitong Linggo lamang, sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na ang truck ban ay dapat sisimulan ngayong  Disyembre 3 pero naantala sapagkat humingi pa ang mga  truck operators ng palugit na oras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply