CJ Sereno nagliban sa En Banc session

SA kauna unahang pagkakataon bilang punong mahistrado, lumiban sa en banc session ng Korte Suprema si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa halip, ang most Senior Associate Justice na si Antonio Carpio ang nagpreside ng deliberasyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema kahapon.

Sa kanyang pirmadong liham sa En Banc, nabatid na naka-sick leave si Sereno kaya hindi nakadalo sa en banc session ngayong araw.

Sa nasabi ring liham, itinalaga ni Sereno si Carpio bilang acting Chief Justice hanggang sa tuluyan na siyang makabalik sa trabaho.

Nabatid na bago ang deliberasyon kahapon, naging mainit na usapin sa Korte Suprema ang diumanoy pekeng court resolution na may petsang November 27, 2012 na nagsasabing niratipikahan umano ng En Banc ang hakbang ni Sereno na buhayin ang Regional Court Administration Office sa Region 7, at ang pagtalaga kay Judge Geraldine Faith Econg bilang pinuno ng nasabing tanggapan.

Pero nauna nang nalathala sa pahayagan na itinanggi ng ibang mahistrado ang pag-apruba sa nasabing court resolution.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply