Clippers 16 W na dikit

WALANG kabang ipinasok ni Chris Paul ang dalawang free throws upang ilista ang 16 na sunod na panalo ng Los Angeles Clippers sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) kanina.

May 3.4 segundo na lang ang nalalabing oras nang isalpak ni Paul ang dalawang libreng tira upang sikwatin ang 116-114 panalo kontra Utah Jazz.

”When DeAndre Jordan came to give me the ball screen, I wasn’t worried about (Gordon) Hayward, I was just worried about Al Jefferson,” kuwento ni Paul. ”I could tell Jefferson was going to try and blitz me. Anytime two guys try and trap me, I’m always going to attack the slower guy. If they wouldn’t have called the foul, I was right around Al anyway.”

Lamang ang Clippers 13-12 at naging 14-12 ito nang magmintis ang isa sa dalawang free throws ni All-Star point guard Paul may 18 segundo pa sa orasan.

Sinunggaban ni Jazz center Al Jefferson ang rebound upang makakuha ito ng foul at itabla sa 14 matapos kumonekta ng dalawang libreng tira.

”Man, I couldn’t wait to get to the line. I couldn’t wait to get to the line,” wika ni Paul. ”I was mad at myself for missing that last one. I couldn’t wait to get to the line to redeem myself.”

Bumira ng 29 puntos, anim na assists at dalawang rebounds habang bumakas si Blake Griffin ng 22 points at 13 rebounds para itarak ng Clippers ang 24-6 win-loss slate.

Dahil sa panalo ng Clippers ay naagaw nila sa Oklahoma City Thunder ang unahan sa Western Conference.

Si Randy Foye ang kumana ng maraming puntos para sa Jazz.

Tumikada si Foye ng 28 pts. Habang si Jefferson ay nag-ambag ng 22 markers.

Sa ibang NBA resulta, sinilat ng Detroit Pistons ang Miami Heat, 109-99 habang nakadehado rin ang Sacramento Kings nang paluhurin nila ang New York Knicks sa manipis na 106-105.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply