Clippers kumadena ng 15 W

IBINUHOL ng Los Angeles Clippers ang pang-15 sunod na panalo matapos kaldagin ang Boston Celtics, 106-77 kanina.

Hindi masyadong nagparamdam sa opensa si All-Star member Chris Paul subalit pumutok naman ito sa assists upang ilista ang 23-6 win-loss slate ng Clippers.

May walong puntos, 11 assists at tatlong rebounds si Paul habang si bench player Matt Barnes ang tumipa ng maraming puntos para sa L.A. na may binirang 21 markers.

Dominado ng Clippers ang apat na period kaya naman walang hirap nilang tinumbok ang Celtics.

Sumegundo sa opensa si Jamal Crawford na may tinikadang 17 markers habang si Slum Dunk champion Blake Griffin ay bumakas ng 15 points pa sa Clippers.

Si Kevin Garnett naman ang top scorer para sa Celtics na may 16 pts.

Samantala, tumikada ng 40 puntos si three-time scoring champion Kevin Durant upang pasanin ang Oklahoma City Thunder sa panalo kontra Dallas Mavericks, 111-105 sa overtime game.

Bumira si Durant ng right-handed hook shot upang makuha ng Oklahoma City ang unang kalamangan 96-95 may1:57 pa sa orasan.

Nag-ambag naman sina Serge Ibaka at Kevin Martin ng tig-19 at 18 puntos para ilista ng Oklahoma City ang pang-11 straight panalo sa homecourt.

Bumakas din si Russell Westbrook ng 16 points, 10 assists at anim na para manatiling nasa unahan ang Thunder sa Western Conference bitbit ang 22-6 panalo-talo karta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply