Clustering of precincts sa May 2013 midterm polls, tuloy

TULOY pa rin ang pagpapatupad ng clustering of precincts sa May 2013 midterm polls.

Ito’y sa kabila ng mga reklamo sa mahabang pila sa mga polling precincts noong 2010 automated elections.

Ayon sa resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc, muli nilang paiiralin ang clustering o pagsasama-sama ng ilang polling precincts upang mapagkasya ang mga gagamiting Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.

Pananatilihin pa rin umano ang 1,000 botanteng limit sa bawat clustered precinct sa halalan.

“Established precincts in one cluster/group must not exceed seven with an aggregate number of registered voters not exceeding 1,000,” bahagi ng naturang resolusyon.

Kaugnay nito, ang bawat isang clustered precinct ay magkakaroon ng isang Board of Election Inspector (BEI).

Sa kabila naman ng pagiging clustered, sinabi ng Comelec na mananatili pa rin ang precinct numbers ng bawat indibidwal; Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL); Precinct Computerized Voters’ List (PCVL); at Book of Voters (BOVs) ng bawat prisinto sa kada clustered precincts.

Noong May 2010 polls ay nagka-problema ang Comelec sa beripikasyon ng pangalan ng mga registered voters kaya’t ilang polling precincts ang hindi agad nakapagbukas.

Umabot sa 76,000 ang clustered precincts para sa 50,850,938 registered voters.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply