Coco scam vs vote buying in Lanao del Sur

Hadji-Abdulrashid-Ladayo-Sr

HALOS malagutan ng hininga ang mga politikong naging biktima ng Coco pyramid scam sanhi ng naudlot na plano nilang tumipak ng limpak-limpak na salapi na ipinangako diumano ng grupo ni Jacob “Coco” Rasuman.

Ang epekto kasi ng kawalan ng pera ng mga incumbent na politiko ay ang paghinto ng malawakang bilihan ng boto o vote-buying para masiguro ang kanilang panalo at makopo muli ang poder ng kapangyarihan na alam naman ng lahat kung paano nila ituring ang kaban ng bayan sa kani-kanilang munispyo o at lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ng isang incumbent na alkalde sa 1st distric ng Lanao del Sur na ayaw pabanggit ang pangalan na humigit kumulang sa 600 milyones ang natangay sa kanilang mga miyembro ng League of Mayors of the Philippines-Lanao del Sur chapter.

Bukod pa rito ang pribadong ambag ng mga asawa ng ilang alkalde na kasama ring naloko sa nasabing scam.

Sa kasalukuyan, nakakulong na si Coco Rasuman kasama ang kanyang mga kasabwat diumano sa National Bureau of Investigation  Headquarters bunsod ng kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanila sa Cagayan de Oro Prosecutors Office.

Sana lang sumunod na mahuli ang mga taong nakaisa rin sa mga kababayan nating ang nais lang naman ng kumita kahit papaano.

At sana rin, maging leksyon din ito sa iba pa.

Wala namang masama ang maghangad na kumita at gumanda ang buhay, pero sana mas maging matalino tayo sa papasuking sitwasyon.

Sa buhay ngayon, mahirap na mapunta lang sa mga taong ganid ang ating mga pinaghirapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply