Collection ni Maj. Ricalde at pagkatalo ni Pacquiao

burdado- jun briones

MASAKIT tingnan ang aydul kong si Pacman habang nakadapa sa ibabaw ng lona.

Pero may mga dahilan  kaya masasabi ko na tama lang ang nangyari.

1) Training – Kung ang halos kalahating taon na paghahanda ni Marquez ay tatalunin lang ng wala pang 2 buwan na ensayo ni Pacman, baka mawalan na ng ganang mag-ensayo nang maigi ang bawat atleta!

2) Biblical – Patunay na tumpak ang Biblia na “no man can serve two masters.” ‘Di ba nga mas mahigit pa sa dalawa ang pinagkakaabalahan ni Pacquiao nitong mga huling araw? Nariyan ang boksing, showbis/gameshow hosting, pulitika at pangangaral ng salita ng Panginoon.

Kaya nga ito na ang tamang panahon para isiping mabuti ni Pacman kung saan ba talaga niya ilalagay ang kanyang sarili!

Hindi rin naman ako sang-ayon kay Mommy D. na ang pagpalit ng relihiyon ang dahilan ng pagkatalo ni Manny.

Maaari pang sabihin na ang dis-oras na pag “bible study” ay nakadistorbo sa mga oras na dapat ay ipahinga na niya!

Sabagay, lahat ng ‘yan ay napag-uusapan na ngayon dahil nga natalo si Pacman.

Pero kung nanalo, tiyak star na naman sina Jinkee at  Mommy!

Siyanga pala, parekoy, dapat ay nakita rin agad sa ibabaw ng ring si Chavit Singson na hinihimas si Pacman.

Ang lagay, eh, aakyat lang siya’t didikit kay Pacman sa tuwing ito ay panalo? Huh!

-o0o-

KALAKARAN  na nga siguro, parekoy, sa isang distrito ng PNP na kapag may bagong direktor ay may lumulutang rin na bagong bagman.

Bigla kasing lumutang ang pangalan ni Major Ricalde bilang bagong bagman/collector sa Camanava mula nang umupo bilang District Director si C/Supt. Joel Alvarez na dati na umanong boss ni Ricalde.

Alam daw kasi ni Gen. Alvarez ang tikas ni Ricalde kaya ito ang itinalaga sa “weekly collection division” ng NPD.

Sa Anti-Drugs Unit daw galing itong si major kung saan ang pinakahuling trabaho nila ay nasa milyon ang savings!

Wow, ha! Matikas ka nga, sir, sa collectong! Pero bakit may balita na dinehado mo ang mga kasamahan mo pagdating na sa partehan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply