Comelec: 238,557 OAV ‘di makaboboto sa 2013 polls

comelec

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na may 238,557 overseas absentee voters (OAV) ang hindi makaboboto sa darating na 2013 midterm elections.

Sa inilabas na Resolution 9567 ng Comelec, ang nasabing bilang ng OAV ay nabigong makaboto noong 2007 at 2010 elections kaya naman na-deactivate ang kanilang voters registration o record sa OAV.

Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, mayroon na lamang ngayong 915,000 absentee voters mula sa iba’t ibang bansa ang papayagang makaboto sa 2013 midterm elections.

Mas mataas aniya ito kumpara sa 589,830 absentee voters na naitala noong 2010 polls.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply