Comelec employees pumalag sa kaltas sa bonus

comelec

MAGSASAGAWA ng malaking kilos protesta ang mga opisyal at empleyado ng Commission on Elections dahil sa hindi pagkakaloob ng kanilang Productivity Enhancement Incentives (PEI) at Performance Based Bonus(PBB).

Nabatid na ang mga empleyado ng Comelec sa buong bansa ay magsusuot ng kulay itim na t-shirt o armband simula bukas (Biyernes) bilang pagpapahayag ng kanilang protesta.

Batay sa hinaing ng mga poll workers, kinokondena ang marahas na pagtatanggal ng kanilang Productivity Enhancement Incentive. Isisigaw rin umano nila ang panawagan ang planong pag-aalis ng kanilang Performance Based Bonus para sa government workers.

Ayon kay Mac Ramirez, presidente ng Comelec-Employees Union, sa halip na P10,000, ang tatanggapin ng manggagawa sa public sector makatatanggap lamang ang mga ito ng P5,000 para sa PEI ngayong taon.

Sinabi ni Ramirez na ang halagang P5,000 na ikinaltas sa kanilang incentive ay malaking kawalan sa kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan lalo na at tumataas na ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

“It must be noted that not all workers in government will receive the much ballyhooed maximum amount of P35,000 in PBB. Only 10 percent of the employees in agencies tagged as ‘best’ performing will stand to receive the maximum incentive. Much more, the PBB will only promote individualism among the workforce as this will only fuel the palakasan and sipsip mentality among our ranks,” pahayag ni Ramirez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply