Commercial flights sa Damascus, Syria, suspendido pa rin

SIMULA pa noong isang linggo, nananatili pa ring kanselado ang commercial flights sa Damascus International Airport.

Ang pagsususpinde sa mga biyahe ay bunsod pa rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng mga rebelde at mga taga-suporta ni President Bashar Al-Assad.

Ayon sa mga rebelde, gusto nilang makontrol ang paliparan upang maputol ang military supplies para sa Assad Forces.

Samantala, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at security forces na nakabantay sa lugar matapos bakuran ng mga ito ang naturang paliparan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply