Commercial model, negosyante kinasuhan ng tax evasion

DOJ

KINASUHAN ng tax evasion sa Department of Justice ang isang TV commercial model at isang negosyante na nakabase sa Davao del Norte.

Nabigo ang negosyanteng si Ernesto Yap, may-ari ng Deco Commercial hardware store na ideklara ang kanyang buong kinita  sa para sa taong 2009 at 2010. Pinalabas umano ni Yap na nasa P4.48 milyon ang kanyang kinikita gayong umaabot ang kanyang gross income sa halagang P96.84 milyon at P115.23 milyon sa dalawang taong nabanggit.

Dadil dito, nasa P165.42 million ang halaga ng tax liability ni Yap sa gobyerno, kasama na ang surcharge at interes na dapat bayaran.

Inireklamo rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang TV commercial model.na si Bernard Anacta ng Monaco Models and Casting Agency.

Ang kaso ay nag-ugat sa tangkang pag-iwas ng modelo na makabayad ng tamang buwis at kabiguang magbigay ng tamang impormasyon sa kanyang kinita para sa taong 2009.

Lumalabas na sa nabanggit na taon ay kumita si Anacta ng P7.69 million, ngunit idineklara lamang niyang nasa P1.18 million ang kanyang kinita.

Umaabot sa P4.17 million ang halaga ng tax liability ni Anacta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply