Contractors na gumagamit ng substandard materials, binalaan ng DPWH

BINALAAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga contractor ng iba’t ibang pagawaing bayan na tigilan na ang paggamit ng mga substandard na materyales sa mga imprastraktura.

Ayon sa DPWH, huwag gumamit ng mag-substandard o iyong mga hindi dekalidad na mga materyales gayundin ang pagpapagulong ng araw ng mga trabahador upang mapahaba ang oras ng trabaho.

Ayon kay DPWH Sec. Rogelio Singson, mahigpit na binibigyang direktiba ang mga contractor sa ilalim ng umiiral na batas na Government Procurment Reform Act.

Ani Singson, papatawan nila ng karampatang kaparusahan ang mga contractor na hindi tatalima sa nasabing kautusan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply