DA: Food security pamana sa susunod na pangulo

PAMANANG iiwan ni President Benigno Simeon Aquino III sa susunod na pangulo ng bansa ang seguridad sa bigas at pagkain, ito ang pahayag ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Secretary Proseso Alcala, nagsisimula pa lamang ang 2012 ay isinaayos na nila ang proseso at plano sa pagpaparami ng pagkain.

Sa kasalukuyan aniya ay hindi na kinakapos sa bigas at pagkain ang bansa.

Kung umaangkat man aniya ang National Food Authority (NFA) ng bigas sa Vietnam, China at Thailand, iyon ay dahil sa ibinebenta natin ang mamahalin nating bigas para makabili ng mas mumurahin ngunit mas marami.

Sinabi pa ng DA, na nababawasan na ang inaangkat na cerials ng bansa kada taon.

Paliwanag pa ni Alcala, ginagawa nila ito upang mapanatili ang mababang presyo ng bigas sa merkado.

Gayunman, siniguro ni Alcala na bago matapos ang 2016 ay hindi na aangkat ng bigas ang bansa dahil kaya nang magprodyus ng sapat para sa pangangailangang pagkain ng 100 milyong Filipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply