Daddy Jun Magdangal, nabola ng manghuhula na sisikat pa uli si Jolina

SO very amusing naman ang nasagap nating chika tungkol sa manghuhulang pinaniwalaan ng labis-labis noon ni Daddy Jun Magdangal para magpabalik sa popularity ng kanyang daughter na si Jolina Magdangal na ngayon ay married na sa leader ng isang banda.

Kabaliwe’d, my BFFT Pete A. Sa kagustuhan raw ni Daddy Jun na magka-career pa uli ang kanyang anak, lahat ng iutos sa kanya ng kinuhang psyhic consultant ay kanyang sinunod. At bawat galaw noong manghuhula ay may katumbas na libu-libong halaga.

Sabi pa raw nito kay Daddy Jun, mabibigyan ng maraming programa sa GMA 7 si Jolens at ang mga pelikula na gagawin nito ay pawang magiging blockbuster.

Asan ang project? Hindi ba’t sa GMA News TV na lang ata nagso-show ang dating sikat na Kapamilya comedienne/actress.

Kasi naman, noong medyo lumalamlam na ang dati-rati’y bonggang career ni Jolina, nag-offer kami ni ami gang Pete na tulungan at suportahan sa kanyang mga publicity ang aktres. ] Ang kaso, deadma lang si daddy dahil mas bilib siya at tiwala noon kay Manang Cristy Fermin dahil ito raw ang muling magpapasikat muli sa kanyang anak. Anong nangyari? Hayun, lalong nalaos ang singer-actress at hindi lang ang acting career nito ang lumamlam nang husto kundi pati na rin ang kanyang singing career. Huwag kasing mangmaliit coz dat’s very bad gyud!

***

Suddenly It’s Magic nina Mario Maurer at Erich Gonzales, pinipilahan sa takilya

FOR sure, magkakaroon pa ng follow-up movie ang famous Thai actor na si Mario Maurer sa Star Cinema. Sobrang lakas naman kasi sa takilya ng first team-up movie nila ni Erich Gonzales na Suddenly It’s Magic.

Imagine, nitong Undas ay hindi lang ang puntod ng mga mahal sa buhay ng ating mga kababayan ang pinuntahan nila. ‘Yung iba sa kanila dumiretso talaga sa mga sinehan para panoorin ang kauna-unahang pelikula ni Mario rito sa Pinas.

Well, maganda naman kasi ang pagkagawa ng pelikulang ito ni direk Rory Quintos. Knowing direk Rory, kuha nito ang kiliti ng masa at ‘yan ang kanyang formula kaya kinilig talaga ang moviegoers kina Mario at Erich.

Siyempre nagbigay kulay rin sa nasabing Filipino-Thai romantic-comedy film ang mga co-stars ng dalawa tulad nila Joross Gamboa, Kakai Bautista, Joy Viado, Guji Lorenzana, Ces Quesada, Dinky Doo Jr., Dionne Mosanto, Jestoni Alarcon at Pimchanok Luevisadpaibul. Isa pang facor kung bakit nag-hit rin dito sa ating bansa si Mario ay dahil nakita ng publiko ang kabaitan ng Thai actor na sobrang mapagmahal sa kanyang mother at kapatid sa Thailand.

Another thing, talagang ginastusan nang husto ng Star Cinema ang nasabing proyekto kung saan hindi lang sa Ilocos sila nag-shoot kundi sa ilang part rin ng bansang Thailand na kinalakhan ni Mario. Showing pa rin hanggang ngayon sa over 100 theaters nationwide ang Suddenly It’s Magic.

Kaya kung gusto niyong makita ang sobrang kaguwapohan ni Mario at kiligin kayo watch na! Now na!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply