Selosan sa kostumer: GRO tinarakan ng kabaro

behind-bars-4

NAUWI sa umbagan at pananaksak ang selosan sa kostumer ng dalawang guest relations officer (GRO) ng isang bar club sa Quezon City, Sabado ng madaling araw.

Sugatan sa insidente si Mylene Sianosa, 19-anyos, GRO ng East Garden Bar and Grill na nasa Timog Avenue, Quezon City, na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center.

Nadakip naman ang nakasakitang kasamahan nito na si LJ Berdillo, 32 anyos, ng nasabi ring bar.

Batay sa ulat ng Kamuning Police Station 10, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing club.

Ayon kay SPO3 Patricio Sañosa, matagal nang may kinikimkim na selos ang nakatatandang GRO dahil sa madalas umanong mai-table ng kostumer ang biktima.

Sa imbestigasyon, kinukulit ng suspek ang biktima hanggang sa nauwi ito sa mainitang pagtatalo at kaguluhan.

Habang nagtatalo ay nakadampot ng bote ng beer ang suspek na kanyang binasag at itinarak sa biktima.

Sa himpilan ng pulisya abot-abot naman ang paghingi ng patawad ng suspek sa biktima na ikinatuwirang dahil sa matinding selos lamang aniya kaya niya nagawa ang pananaksak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply