Dahilan ng trahedya sa ComVal, pinabubusisi ni PNoy

PINABUBUSISI na ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ang dahilan ng trahedya sa Compostela Valley na nagresulta sa pagkamatay ng maraming mamamayan.

Sa pagharap ng Pangulo kahapon sa mga biktima ng bagyong Pablo sa New Bataan, Compostela Valley, sinabi nito na nais niyang malaman kung bakit nangyari ang flashfloods at landslides sa lugar.

Bukod dito, layunin din  ng imbestigasyon na malaman kung paano maiiwasan at hindi na maulit ang trahedya na ikinamatay ng maraming residente.

Hinimok din ng Pangulo ang mga apektadong residente na makipagtulungan sa gobyerno para maging madali ang pagpapatupad ng reporma at rehabilitasyon sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply