Dalagita lumagok ng silver cleaner, tepok

bangkay-4

ISANG bebot ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa loob ng sala ng kanilang bahay sa Caloocan City.

Dead on arrival sa MCU hospital si Jenny Javierto y Muega, 15 anyos, ng 205 Maagap St., Gen Terona, Bagong Barrio ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-1:45 ng hapon ng magpatiwakal ng biktima sa sala ng kanilang bahay.

Ayon sa ama ng biktima na si Jun Javierto, natutulog siya sa kanyang kwarto ng bigla  marinig ang sigaw ng kanyang anak at nakita ang biktima na namimilipit sa sakit ng tiyan habang bumubula ang bibig nito kaya agad isinugod sa nasabing pagamutan.

Walang natagpuang suicide note ang mga imbestigador maliban sa botelyang walang laman na hinihinalang pinaglagyan ng lason na ginamit sa pagpapatiwakal.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad at inaalam kung may foul play sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply