Dalagita nilasing bago pinilahan sa Caloocan

NILASING muna bago na gang rape ang isang dalagita ng tatlong lalaki at isang tomboy sa Caloocan City kagabi, Disyembre 29.

Arestado naman ang dalawang binatilyo na sina Ely at Pepe at tomboy na si Arielyn, 16 pawang ng 6th Avenue ng lungsod habang pinaghahanap pa si alyas Noel, 36 ng nasabing lugar at mga miyembro ng Matik Gang.

Sa pahayag ng biktimang edad 14, alas-10 ng gabi, bibili siya ng makakain sa nasabing lugar nang makita ang kababatang si Arielyn at inayang makipag-inuman.

Dahil sa kakilala ay sumama ang biktima sa bahay ni Noel hanggang sa mag-inuman.

Nang malasing ay pinagtripan nang halayin ni Noel ang dalagita habang ang iba pang suspek ay hawak ang mga kamay at paa ng biktima.

Nang matapos ang panghahalay ay umuwi na ang dalagita at nagsumbong sa mga kaanak na naging dahilan upang damputin ang mga suspek subalit nakapuga si Noel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply