Dalagita patay sa saksak ng kapitbahay

PATAY ang 12-anyos na dalagita makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa kanilang barangay sa Quezon City kagabi Disyembre 7, 2012 (Biyernes).

Kinilala  ang  biktima na  si  Percy  delos  Santios, grade  5 student  ng  31 Catleya  St.,  Brgy. Bahay Toro, QC.

Napatay  din  ng  mga  umarestong  pulis  ang  suspek na nakilalang si Ruel Jabal, 21,  ng   naturan  ding lugar.

Ayon  kay  PO2  Ric  Pittong  ng Quezon City  Police District Criminal  Investigaton  and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap  ang  insidente   ALAS-11:30  ng gabi  sa   kahabaan  ng Catleya  St.,  Brgy.  Bahay Toro, QC.

Sa ulat, nabatid na inutusan  ng  kanyang  mga magulang  ang  biktimang  si  Delos Santos  para bumili  ng  pagkain  sa  kalapit  na tindahan ng makasalubong  ang  suspek na  si Jabal na  armado ng patalim  at walang  sabi  sabing  inundayan ng saksak  ang  una.

Nagtamo  ng anim  na  tama  ng saksak  sa kanyang katawan  ang  biktimang si  Delos  Santos  at binawian  ng  buhay  makaraang  isugod  sa  Veterans hospital.

Namatay din Jabal  matapos  mang-agaw  ng baril  ng pulis  matapos  siyang arestuhin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply