Dalagita todas, 12 sugatan sa road mishap

3-dead

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang dalagita habang 12 naman ang sugatan nang magbanggaan ang isang multicab at isang 10-wheeler truck sa North Cotabato kaninang madaling araw (Disyembre 28).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansan sa ulo at katawan ang biktimang si Joana Lompingan, 14-anyos ng Sultan Kudarat.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan na biktima na karamihan ay mga estudyante ng Sultan Kudarat High School.

Sa ulat mula sa PNP headquarters sa Quezon City, naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw sa national highway ng Makilala, North Cotabato.

Ayon sa imbestigasyon, lulan ang mga biktima sa isang multi cab para ihatid ang mga sakay na estudyante sa kanilang eskuwelahan nang biglang bumangga ito sa kasalubong na isang rumaragasang trak na minamaneho ng isang Hampit.

Sumuko naman agad si Hampit matapos ang insidente at sinabi na ang naturang multicab ang bumangga sa kanyang trak na patungong Makilala-Davao highway.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply