DAR Sec. Delos Reyes pinagre-resign ng obispo

bishop-pabillo

“MAG-RESIGN na.” Ito ang panawagan ni CBCP-NASSA Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kay Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes.

Ayon kay Bishop Pabillo, sagabal si Delos Reyes sa pagsusulong ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) kaya mabuti aniyang umalis na lamang ito sa puwesto o kung hindi naman ay tuluyan nang palitan ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Isang malaking hadlang sa pagpapatupad ng batas ay ang DAR Secretary mismo, si Secretary Virgilio delos Reyes, kaya nananawagan kami na siya sana ay mag-resign na kung talagang ang pagmamalasakit nya ay para sa mga magsasaka, at ang Presidente naman kung hindi siya (Secretary delos Reyes) ay mag-resign, dapat palitan na, siya ay nagiging hadlang sa tunay na pagpapatupad ng batas”.diin ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Nilinaw ni Bishop Pabillo na puro teyorya lamang ang mga ibinibigay na datos ni Delos Reyes sa pagsusulong ng CARPER dahil kung sisiyasatin aniya ay talagang wala itong nagagawa.

Binigyan diin ni Pabillo na mali at hindi akma ang mga datos o performance na ipinapalabas ni Delos Reyes at ng kanyang tanggapan sa mga pahayagan.

Noong 2011 umano, umabot lamang sa 54.6% ang naasikaso sa may 200 libong ektarya na national target ng DAR.

Nababahala ang obispo na walang mangyayari sa implementasyon ng CARPER kung mananatili pa sa puwesto si Delos Reyes dahil isang taon at kalahati na lamang ang pagpapatupad ng batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply