Dating parak arestado sa pangso-solicit

IPINAARESTO ni Pasay City Police Chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca ang isang dating pulis sa pangso-solicit ng salapi sa vendors para sa gaganaping Christmas party ng mga pulis.

Ayon kay Llorca, inatasan na niya si Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) na magsagawa ng surveillance laban kay dating PO3 Reynaldo Aguado at kaagad na dakpin sa oras na mangalap ng pondo sa mga establisimiyento at sidewalk vendors.

Nagngitngit sa galit si Llorca nang idawit ni Aguado ang kanyang pangalan sa pangangalap ng pondo gayung wala naman siyang kautusan kaninuman na mamahagi ng solicitation letter.

“Hindi ko nga nakikita yang taong yan mula nang magretiro at isa pa, wala kaming gaganaping party dahil iniutos na ng chief PNP na kanselado ang lahat ng Christmas party ng PNP units dahil nasa ilalim ng state of calamity ang bansa,” pahayag ni Llorca.

Napag-alaman na nakatanggap ng mensahe si Llorca mula sa isang impormante na nagpahayag na nagsimula ng mangalap ng pondo o nag-sosolicit na si Aguado sa mga vendors dahil ito raw ang iniutos sa kanya ng chief of police upang may panggastos sila sa isasagawang Christmas party ng pulisya sa Pasay.

Kanina ay ipinabatid na rin ni Goforth sa lahat ng station commanders at operating units ng Pasay police ang direktiba ni Llorca na iwasang mag-solicit o mangalap ng pondo o pang-raffle ang kanilang mga personnel dahil kanselado na ang lahat ng party ng kapulisan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply