Dating sundalo, arestado sa shabu

HIMAS rehas ang isang dating sundalo nang mabuking ang 18-sachet ng shabu na naka-ipit sa suwelas ng suot niyang tsinelas makaraang tangkain nitong ipuslit papasok sa loob ng Pasay City Jail kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Bukod sa 18-sachet ng shabu, nakumpiska rin nina JO1 Marlon Suyu at JO1 Michael Saguilia ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Pasay city jail sa suspect na si Samad Ma-Amor, 37, residente ng Baclaran, Paranaque City ang isa pang bungkos ng hindi pa nare-repack na shabu sa kaliwang suwelas ng tsinelas.

Batay sa ulat ni JO1 Ester Mae Sustituido ng Investigation Section ng Pasay city jail, tinangkang ipuslit ni Ma-Amor ang nakumpiskang shabu dakong alas-3:20 ng hapon matapos magpanggap na dalaw ng nakadetineng si Hiro Abdul Abdulah na may kinakaharan na kasong pagbebenta ng ilegal na droga.

Sinuring mabuti ng mga nakatalagang jail guard ang dalang gamit ni Ma-Amor na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Army hanggang isailalim siya sa body search. Dito na napuna ng mga jailguard na mistulang iniiwas ng suspect na mabusisi ang suot niyang makapal na tsinelas kaya’t lalung nagkaroon ng interes ang mga jail guard na busisiin ito.

Todo-tanggi naman ang suspect na sa kanya ang nakumpiskang shabu at sinabing binayaran lamang umano siya ng isang alyas Alieza upang dalawin ang nakapiit na si Abdulah, suot ang tsinelas na may lamang shabu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply