Datu A Mangompia (The Achiever) iginawad kay NIA Antonio Nangel

hilda-online-logo

ANG tagapangasiwa ng National Irrigation Authority (NIA) Antonio S. Nangel  ay ginawaran ng pagpapakilala bilang Datu A. Mangompia (The Achiever), pinagtibay na anak ng Sultanate ng Masiu. Ito ay ginanap sa pagdiriwang ng 52nd anibersaryong pagkakatatag ng Tamparan (Araw ng Tamparan) noong Oktubre 19, 2012.

Siya ay pinagkalooban ng katangi-tanging pagkilala dahil sa nagawa niyang magagandang bagay para sa ikauunlad at ikabubuti sa mga pangangailangang patubig ng naturang lugar.

Pagbabago, pag-unlad at maaliwalas na kinabukasan ang naghihintay sa mga mamamayan na nabiyayaan ng mahahalagang bagay para sa kaunlaran.

Ang paggawad ng karangalan para kay Administrator Antonio S. Nangel ay ginanap sa pamamagitan ng mga palatuntunan, na ang pinakatampok ay ang pagkilala ng Royal Highness Sultan Topaan D. Disomimba, ALHAJ (Municipal Mayor)at ang pagpapatibay at pagkumpirma sa tradisyunal na titulo mula sa Royal Sultanate ng Masiu kay NIA Administrator Antonio S. Nangel, bilang pagpapatibay na anak ng Sultanate ng Masiu at Datu Mangonipia (The Achiever).

MAHALAGANG TIPS

1. Kapag sumasagot ng telepono, gamitin ang kaliwang tenga.

2. Kung uminom ng gamot, huwag sasabayan ng malamig na tubig. Mas epektibo ang “lukewarm” water.

3. Iwasan ang pagkain ng marami kapag lumampas na ang ika-5 ng hapon (5:00 PM)

4. Uminon ng maraming tubig sa umaga, kaunti na lamang sa gabi.

5. Mainam na pagtulog ay mula sa ika-10:00 ng gabi hanggang ika-6:00 ng umaga (8 oras).

6. Huwag hihiga agad pagkatapos uminom ng gamot.

7. Kung ang baterya ng cellphone ay last bar na, ‘di dapat sagutin ang telepono, sapagkat ang radiation ay 1,000 beses na mas malakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply