Davao del Sur, niyanig ng magnitude 4.5 lindol

phivolcs

NIYANIG na naman ng magnitude 4.5 na lindol ang ilang bahagi ng Davao del Sur kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng lindol sa layong 222 kilometro timog silangan ng Sarangani province kung saan ay may lalim ito na 20 kilometro.

Gayunman, wala namang napaulat na nasugatan o nasirang ari-arian sa naganap na lindol.

Matatandaang kahapon ay niyanig naman ng magnitude 5.8 na lindol ang Davao del Sur at Davao Oriental.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply