Deadma sa isyung pinagseselosan siya ni Mariel Rodriguez!

anne-curtis-a-secret-affair

MAHIGIT kalahati na ang na-shoot ni Anne Curtis para sa teleserye niyang Kailangan Ko’y Ikaw kasama sina Kris Aquino at Robin Padilla. Pansamantala lang silang tumigil kasi nagsimula nang mag-shoot si Kris ng Sisterakas.

“Medyo nasa complicated area na kami ng script so medyo dramatic na ng bongga,” bungad ni Anne noong makausap namin sa launch ng bago niyang product endorsement na Living Water Refilling Station.

Inaabangan ng marami kung may love scenes sina Anne at Robin sa serye.

“Wala naman. Baka more on their part, Ate Kris and Robin. But with us is more on sister conflict, e. Me sister conflict over a man. So, dumarating na tayo sa ganon. So, we’re very, very excited.”

Ayaw namang maniwala ni Anne na may tsika na pinagseselosan siya ng misis ni Robin na si Mariel Rodriguez.

“Hindi naman. The mere fact they’re married, that already says a lot. That’s a big commitment alone so I really doubt it. At nakikita naman ni Ma kung gaano kami kasaya sa sari-sarili naming buhay,” nakangiting sabi ni Anne.

Deadma na rin si Anne kapag nili-link siya sa kanyang leading man.

“Hmm… hindi na. As I’ve always said, and andami ng nakakapik-up, learn the art of deadma. Ang dami nang pumik-up like ang dami ng nag-tweet sa akin, I’m so happy. I’ve finally got to use the art of deadma. Thank you Anne¬† Curtis Smith. Hahaha! Matagal na matagal ko ng sinasabi ‘yun. I think lahat yata ng issues napagdaanan ko na, e. Although, wala pa ako’ng nakakaaway.”

Samantala, ang Living Water Refilling Station is another feather on her cap na naman. Dahil riyan kaya binansagan siya ngayon bilang ‘Dyosa ng Tubig.’ At ang promotional tagline pa na ginamit ng Living Water station ay “No other water, except Livingwater” na halatang binase sa kanyang matagumpay na pelikula.

“It’s so important for me na may good quality at mahusay ang product bago ako pumayag na mag-endorse kasi I know this will reflect personally on me lalo na itong Living Water. I had to make sure I’m drinking safe, healthy water kasi very sensitive ang tummy ko,” sabi pa ni Anne.

-ooOoo-

SPEAKING of Kris, higanteng regalo ang handog ng Star Cinema at Viva Films sa moviegoers ngayong darating na Pasko dahil ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang pinakapinag-uusapang pagsasama-sama ng tatlong rey na na sina Phenomenal Box-Office Goddess Vice Ganda, Comedy Concert Queen AiAi delas Alas at syempre ang Queen of All Media sa iisang walang kasing kwelang pelikula, ang Sisterakas sa direksyon n Wenn Deramas.

Kung sa tunay na buhay ay magkakalapit na kaibigan sina Vice, Kris, at AiAi, total opposite naman ang mangya- yari sa kontrobersyal nilang comedy film.

Sa kwento, gaganap si Vice bilang si Bernice, isang super successful ‘lord of the apparels industry’ na may dalawang matinding karibal sa buhay–si Detty (AiAi), ang half-sister niyang matindi na niyang kakompetensiya simula pagkabata at si Roselle (Kris), ang pinakamatinik niyang kalaban sa negosyo.

Kasama rin nina Kris, Aiai at Vice sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at si Xyriel Manabat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply