Debris ng North Korean rocket, inaalam na ang lokasyon

INAALAM na ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lokasyon ng debris mula sa rocket na ipinalipad ng North Korea na bumagsak sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Lumabas sa inisyal na ulat na nakarating sa NDRRMC, ang debris ay bumagsak 300 kilometro sa karagatan ng northern Luzon.

Pinawi naman agad ni NDRRMC head Benito Ramos ang panganib mula sa naturang rocket dahil ito ay bumagsak sa karagatan at hindi sa kalupaan.

“Ito ay bumagsak sa dagat, hindi sa lupa,” pahayag ni Ramos.

Sinabi ni Ramos na pinalipad ang rocket pasado alas 8:49 a.m. (PHL time) at “would take 20 minutes before debris fall into Philippine territory.”

Nauna rito, sinabi ni Ramos na nasorpresa ang NDRRMC dahil pinakawalan ng North Korea ang kanilang rocket nitong Miyerkules ng umaga  at hindi rin ito nag-abiso sa ibang bansa  tungkol sa nasabing pagpapalipad.

Simula pa nitong nakaraang Sabado, nanatiling nasa red-alert ang NDRRMC kahit sinabi ng North Korea na ipagpapaliban nila ang pagpapalipad ng kanilang rocket ngayong buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply