Delivery boy, inatado

crime-scene-4

POSIBLE umanong tinangay na ng hayop ang nawawalang binti ng kinatay na delivery boy matapos na matagpuan ng mga awtoridad ang isa nitong binti sa Barangay Fatima sa lungsod ng General Santos, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa report na ipinarating sa Camp Crame, pinaslang ng mga hindi pa nakikilalang salarin si Roderick Balayo, 18, residente ng Uhaw, Barangay Fatima.

Binasag ang bungo ng binata, tinadtad ng saksak ang katawan, saka ginilitan ng leeg at pinutol pa ang dalawang mga binti nito at hinihinalang itinapon malapit sa Mindanao State University (MSU) kung saan natagpuan ang isang binti ng biktima.

Ayon sa PNP General Santos, lubhang malayo sa nasabing lugar sa crimescene kaya’t pinaniniwalaan na maari rin tinangay ng aso ang isa pang binti ng biktima.

Nananatiling blanko ang mga awtoridad sa maaring motibo sa karumal-dumal na pagpatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply