Delivery van ng LBC ninakawan, binata kalaboso

behind-bars-3

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos buksan at pagnawakan ang delivery van ng LBC sa Navotas, Linggo ng umaga (Disyembre 2)

Nakilala ang suspek na si Bryan Benson, 24 ng Phase 2, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:50 ng umaga nang sampahan ng suspek ang delivery van ng LBC sa Bangus St., ng lungsod.

Nabuksan ng suspek ang kandado sa likod ng van at nang makapasok ay kinuha ang Micro Wave Oven, DVD, Airfoil at bag na naglalaman ng wallet na may cash na P4,000.

Isang nagmagandang loob ang nagsabi sa mga pangyayari sa driver na si Adrian Lordan, 28 na naging dahilan upang magsumbong sa mga pulis.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek at nabawi ang mga tinangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply